Minsan sa buhay kilangan maging praktika,noong una ok lang sa akin kahit anu gawin ko pero nung sumubra ko narealize ko na ang laki ng gulo na nagawa ko sa mga kaibgan ko. Pinagsisihan ko naman ang lahat ng mga ginawa ko sa kanila.
Ngayon nagsisimula na ko ng bagong buhay para sa sarili ko at sa pamilya ko gusto ko patunayan na kaya ko na ang sarili ko pero hindi ko parin maiwasan ang maaalala ang mga taong malapit sa akin. Babalik ko pagnahanap ko na sarili ko inaamin ko na naging sakim ko sa pera kaya ko nagawa ang mga imposibling bagay na hindi kayang gawin ng ibang kabataan katulad ko,sana ako na lang ang ganito sana wala ng maligaw ng landas, sa mga naranasan kung hirap ayaw ko ng may matulad pa sa akin.
Hindi lahat ng tao dapat husgaan dahil lang sa mga hindi sinasadyang gawin ng isang taong inusente. Sa buhay talaga kilangan mo muna magkamali bago mo malaman na mali kang talaga.
Nakapagaral ng ko pero sinayang ko naman ang pagkakataon na binigay sa akin isa ito sa mga pinagsisihan ko sa buhay ko sinayang ko ang mga pangarap sa akin ng mga magulang ko kaya nahihiya ko sa magulang ko halos wala kong mukha na maipakita sa kanila. Sa ngayon nakipagsapalaran ko sa manila para magbago at mapatunayan ko sa sarili ko na maiiaahon ko din sila sa kahirapan kahit anung mangyari.
No comments:
Post a Comment